Tapos na ang summer kaya mukhang si Barbie Imperial na muna ang bahalang magpainit ng panahon.

Ibinida ng aktres ang pigura suot ang orange na swimsuit habang nasa isang swimming pool sa Virac, Catanduanes.

Nakapost ang larawan sa kanyang Instagram account nitong Huwebes.

“It’s almost leo szn,” maiksing caption ni Barbie sa larawan, na hindi na kailangan ng maraming salita para sa caption dahil kahit sino ay mapapanganga na lamang sa kanyang ganda at kurbada.

Maging ang ilang kilalang personalidad ay nagkomento at napahanga sa alindog ni Barbie.

“Ay oh!” komento ni Tony Labrusca.

“Wooot woot,” komento naman ni Ara Mina.

“Grabe ka sexy,” saad naman ni Melai Francisco.

The post Alindog ni Barbie Imperial mapanukso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alindog-ni-barbie-imperial-mapanukso/)