Nakalibre na ng gupit ay nakatulong pa ang mga babaeng aplikante ng Philippine National Police (PNP) sa mga pasyenteng may cancer.

Nasa 53 bag ng buhok ang nakolekta sa pagpapagupit ng mga aplikante para makasunod sa pamantayan ng PNP, ayon sa Inquirer report.

Isinagawa ito sa paglulunsad ng BARANGAYanihan “Alay ni Tay at Nay” (Share Your Hair) program ng MIMAROPA Police sa regional office sa Calapan, Oriental Mindoro kahapon, July 23.

Nagtulungan ang MIMAROPA Police, Police Officers’ Ladies Club MIMAROPA, Soroptimist International Kabayan, Hair for Hope, Makati Medical Center at Asian Hospital para sa libreng wig ng mga cancer patient.

Ang mga babaeng aplikante ay sasailalim sa training para sa Public Safety Basic Recruit Course. 

The post Aplikante ng PNP nag-donate ng buhok sa mga cancer patient first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aplikante-ng-pnp-nag-donate-ng-buhok-sa-mga-cancer-patient/)