Iniimbitahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Family and Life ang mga deboto para sa paggunita sa unang “World Day of Grandparents and the Elderly” sa Hulyo 25.

Magsasagawa sila kasama ang Episcopal Commission on Youth and the Liturgy at Catholic Grandparents Association of the Philippines ng tatlong araw na virtual national conference ng mga lolo’t lola at matatanda mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 24.

“Everyone is invited, especially the elderly and the young,” saad ng Episcopal Commission on Family and Life.

Tampok sa tatlong araw na virtual conference ang repleksyon sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at matatanda sa pagpapatibay ng pananampalatayang Kristiyano at pagpapahalaga sa bawat pamilya.

Kamakailan ay idineklara ni Pope Francis ang Hulyo 25 bilang “World Day of Grandparents and the Elderly” na may temang “I am with you always” partikular ngayong pandemya.

The post Araw ng mga lolo’t lola gugunitain ng CBCP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/araw-ng-mga-lolot-lola-gugunitain-ng-cbcp/)