Yumao na ang unang asong frontliner ng lungsod ng Maynila na si Chichi, ayon sa post ng Manila Public Information Office noong Hulyo 14.

Si Chichi ay pag-aari ng barangay kagawad na si Jeanne Ramos sa Barangay 379 sa Santa Cruz.

Noong Abril 2020 at kasagsagan ng enhanced community quarantine sa Maynila ay sumasama umano ang aso sa pagpapatrol ng barangay.

Dahil dito ay binigyan siya ng Barangay Dog Frontliner ID.

Sa Manila North Cemetery inilibing ang aso.

The post Asong frontliner sa Maynila namatay na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/asong-frontliner-sa-maynila-namatay-na/)