Nagpositibo sa COVID-19 ang isang evacuee mula Batangas, na kinailangang lumikas dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Ayon sa report ng ’24 Oras’, nagmula ang evacuee sa Agoncillo, Batangas, na kasalukuyang may 25 active case sa naturang bayan.

Ayon sa alkalde ng lugar na si Daniel Reyes, babaeng senior citizen ang nagpositibo sa COVID-19. Nabakunahan na rin ito kontra sa new coronavirus.

Matatandaan na dinagdagan na ang supply ng bakuna sa Batangas para maunang maturukan ang mga evacuee sa lugar.

Nagsasagawa na rin ng antigen test sa mga lumikas para kaagad na mahiwalay ang magpopositibo sa COVID-19.

The post Bakwit sa Taal sapol ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakwit-sa-taal-sapol-ng-covid-19/)