Hindi pinaporma ni Eumir Marcial ang katunggaling Algerian na si Younes Nemouchi at tinapos agad ang laban sa unang round nitong Huwebes upang umabante sa quarterfinals ng men’s middleweight division ng Tokyo Olympics.

Umiskor agad ng knockdown si Marcial sa unang round sa likod ng mabagsik na right hook.

Nagawa mang makatayo ni Nemouchi, ang walang humpay na sapak ng Pinoy ang nagpadugo sa kanang kilay niya.

Sinubukan pang ituloy ang laban ngunit napansin ng referee na masyadong malaki na ang sugat kaya ipinahinto na niya ito.

Sa Agosto 1 sasabak sa quarterfinals si Marcial kontra kay Arman Darchinyan.

The post Basic! Eumir Marcial abante sa quarterfinals first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/basic-eumir-marcial-abante-sa-quarterfinals/)