Ginintuang puso ang naghari sa isang basurero nang isauli nito ang P40,000 halaga ng alahas na aksidenteng naitapon ng may-ari.

Base sa isang TV report nitong Lunes, kinilala ang basurerong si Pedro Bautista.

Ayon sa basurero, hinihiwalay niya ang kanilang mga nakolektang basura nang gumulat sa kanya ang mga alahas na nakalagay sa isang box.

Agad niyang dinala sa barangay hall ang box, na sa kabutihang palad ay nagtataglay ng pangalan ng may-ari kaya naman naisauli ito.

Todo pasasalamat ang may-ari kay Bautista. Aniya, aksidente niyang naisama sa basura ang box nang dumaan ang mga basurero.

Si Bautista naman ay tinodo na ang pagiging good Samaritan at tinanggihan ang pabuyang binibigay sa kanya ng may-ari. 

The post Basurero nagsauli P40K halaga ng alahas na aksidenteng naitapon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/basurero-nagsauli-p40k-halaga-ng-alahas-na-aksidenteng-naitapon/)