Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagtangkilik ng Kirkland Signature Vitamin C 1000mg tablet.

Base sa nilabas na advisory ng FDA, ang naturang produkto ay walang pang certificate of product registration.

Ayon sa ahensya, hindi pa masisigurong ligtas at dekalidad ang naturang supplement para gamitin ng publiko.

“FDA post-marketing surveillance activities have verified that the above-mentioned drug product has not gone through the registration process of the agency,” lahad ng FDA.

“Thus the agency cannot guarantee their quality and safety. Therefore consumption of such violative product may pose potential danger or inquiry to health,” saad pa.

Dumulog na ang FDA sa mga awtoridad at local government unit na ipatigil ang pagbebenta ng naturang bitamina.

The post Bentahan ng Kirkland Vitamin C hinarang ng FDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bentahan-ng-kirkland-vitamin-c-hinarang-ng-fda/)