Star-studded ang posibleng senatorial slate ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa 2022.

Base sa ulat ng Politiko, halo ng mga beteranong politiko, at mga kilalang personalidad ang isasabak ng party coalition sa Senado.

Pasok sa 12 ng NPC sina:

1. Senator Manny Pacquiao

2. Senator Sherwin Gatchalian

3. Senator Joel Villanueva

4. Senator Juan Miguel Zubiri

5. Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan

6. Batangas Rep. Vilma Santos Recto

7. Leyte Rep. Lucy Torres Gomez

8. Antique Rep. Loren Legarda

9. Sorsogon Governor Francis Escudero

10. Dating senador JV Ejercito

11. Dating senador Bam Aquino o Kris Aquino

12. Ex-Commission on Elections commissioner Gregorio Larrazabal

Pinaniniwalaan na may tatakbo sa pagka-Pangulo si Pacquiao sa susunod na halalan, ngunit base sa source ng Politiko ay posibleng magbago ang isip nito dahil sa kaguluhan sa kanyang partido na PDP-Laban.

Hindi pa rin umano nakakausap ng NPC sina Santos-Recto at Kris Aquino, ngunit isasama sila sa kanilang lineup sakaling magdesisyon sila na tumakbong senador.

Samantala, posibleng maging guest candidate ng NPC sina Zubiri at Villanueva, habang hinihimok pa ng koalisyon si Larrazabal na sumubok sa 2022.

The post Bigatin pambato sa Senado! Pacquiao, Kris Aquino, Vilma Santos posibleng magsama sa NPC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bigatin-pambato-sa-senado-pacquiao-kris-aquino-vilma-santos-posibleng-magsama-sa-npc/)