Patay ang isang tinedyer nang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang bisikleta nitong Linggo ng gabi sa Batangas City.

Kinilala ang rider na si Rey Conrad Arellano, 18-anyos.

Base sa imbestigasyon, binabaybay ni Arellano ang bypass road sa Barangay Bolbok nang mabangga nito ang bisikletang minamaneho ni Oliver Olimpiada.

Parehas na tumilapon ang dalawa, at dinala rin sa Batangas Medical Center matapos ang pangyayari.

Ngunit dinadala pa lamang sa pagamutan ay binawian na ng buhay si Arellano.

Ayon sa pulis, wala umanong lisensya ang motorcycle rider. 

The post Bike vs motor: Motorcycle rider dedo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bike-vs-motor-motorcycle-rider-dedo/)