Umapela si House Deputy Speaker Bernadette Herrera sa mga ahensya ng gobyerno na maglabas ng regulasyon kaugnay ng paggamit ng body camera ng mga pulis sa pagpapatupad ng warrantless arrest.

Sinabi ni Herrera na kapuri-puri ang paglalabas ng Korte Suprema ng panuntunan kaugnay ng paggamit ng body camera ng mga pulis sa pagpapatupad ng arrest at search warrant.

“I am however concerned that it does not practically cover situations involving warrantless arrest and warrantless search and seizure,” sabi ni Herrera.

Ayon kay Herrera maaaring magpalabas ng panuntunan ang National Police Commission (Napolcom), National Privacy Commission (NPC), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Justice (DOJ) para gawin ding mandatory ang paggamit ng body camera sa warrantless arrests.

“These agencies can issue the needed rules either jointly or separately. Jointly is preferred. These agencies may also opt to recommend the issuance of a presidential executive order but this approach might take more time,” sabi pa ni Herrera.

Umaasa rin si Herrera na mapapabilis ang pagpasa ng mga panukala sa Kongreso kaugnay ng paggamit ng body camera ng mga pulis ngayong nagsalita na ang Korte Suprema.

The post Body cam gamitin din sa ibang operasyon ng pulisya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/body-cam-gamitin-din-sa-ibang-operasyon-ng-pulisya/)