Tumaas na ang tiwala ng tao sa COVID-19 vaccine dahil na rin sa effort ng gobyerno, ayon kay Senate health committee chair, Senador Christopher ‘Bong’ Go.

“Sa kakaikot ko sa buong bansa, nakita ko na tumaas na po ang tiwala ng taumbayan sa pagbabakuna. Kung noon po pinapataas ko sila ng kamay less than 20 percent (lang ang nagtaas at willing magpabakuna), ngayon po, umaabot na po sa 50 percent ang nagtataas ng kamay,”  sabi ni Ho.

“Ibig sabihin, marami na pong nagtitiwala sa bakuna,” dagdag pa nito.

Sa Pulse Asia Survey na isinagawa noong Hunyo 7-16, 43 porsiyento ng mga Pilipino ang gusto na ngayong magpabakuna laban sa COVID-19. Mahigit 16 porsiyentong pagtaas nito kumpara sa survey noong Pebrero.

Kaya naman muling nanagawagn ang senador sa publiko na huwag sayangin ang oportunidad na maprotektahan ng bakuna, kasabay ng pagtitiyak na ligtas at epektibo naman ang gamot na ito laban sa coronavirus.

“Disiplina at kooperasyon at huwag muna kayo maging kumpyansa. Habang nagbabakuna, please lang mask pa rin, face shield, social distancing at hugas ng kamay,” paalala ni Go.

“There is light at the end of the tunnel. Tingnan niyo po sa ibang bansa, ‘yung mga mahilig sa basketball, nakakapaglaro na sila ng basketball doon. Nakakapanood na sila ng basketball. Tayo rito, medyo nahuhuli tayo,” lahad pa ng mambabatas. 

The post Bong Go: Kumpiyansa ng Pinoy sa bakuna tumaas na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-go-kumpiyansa-ng-pinoy-sa-bakuna-tumaas-na/)