Kinontra ni Education Secretary Leonor Briones ang mungkahi ni Vice President Leni Robredo na magdeklara ang gobyerno ng education crisis.

Tanong ni Briones, sino ang puwedeng magsabi na may krisis sa edukasyon ang bansa lalo’t siya lang daw ang natatanging DepEd secretary na sumalang sa international assessment.

“I don’t know who should judge whether we have a crisis in education or not, or kung sabihin na we have a crisis in education saan nanggaling ang crisis in education after 123 years? After 47 secretaries of Education, after seven secretaries of Education who refused to participate in the international assessment?” reaksyon ni Briones.

Matatandaan na sinabi ni Robredo na dapat ianunsyo ang education crisis kasunod ng report ng World Bank na nahuhuli na ang mga estudyanteng Pinoy pagdating sa pag-aaral.

Ang naturang report ng financial institution ay binura na sa kanilang website, at humingi rin ng paumanhin dahil sa paglabas ng education report na hindi sumasangguni sa DepEd.

Ayon naman kay Briones, taong 2018 lang sumali ang Pilipinas sa Program for International Student Assessment (PISA),

“DepEd joined PISA in 2018 after 18 years we had not joined this international assessment before, so it’s like as if we are looking at the mirror of education relative to the worldwide situation after 18 years,” lahad ng kalihim.

“I am the seventh Secretary of Education and I am the only one who made such a decision that we will join this comparison,” aniya pa.

The post Briones tinabla si Robredo sa education crisis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/briones-tinabla-si-robredo-sa-education-crisis/)