Nagpahayag na pagkadismaya ang ilang senador sa pagmarka ng Department of Budget and Management (DBM) bilang “For Later Release” o FLRs sa mga unused appropriations sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act (GAA).

Ang nasabing pondo ay maaaring gamitin para matugunan ang ilang mahahalagang proyekto ng proyekto na kailangan ng pondo sa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang politika ay isang konsiderasyon sa non-release ng FLRs budget items na tinatayang umabot na sa P160 bilyon lalo na may 10 buwan na lamang bago ang May 2022 presidential elections.

“The budget items marked ‘For Later Release’ means that such items can only be released upon the authority of the president, or the DBM Secretary or any other official acting on the authority of the president,” sabi ni Drilon.

“This is lamentable because these funds are needed by our people who needs assistance due to the pandemic,” diin pa ng minority leader.

Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang pag-ipit sa pondo ito ay sayang na oportunidad para makabuo ng trabaho at makabuhay sa ekonomiya ng bansa.

Sabi pa ni Drilon, may mga government program na naka-disenyo para mapalakas ang ekonomiya ang hindi pa naipapatupad gayong 20 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay itinatalaga sa government spending.

“The execution of laws, which includes the release of funds in the budget, is a prerogative of the president under the Constitution. But such prerogative is intended to be exercised for the public good, and not based on partisan politics,” sabi ni Drilon.

“Why are P160-billion in infrastructure and social amelioration programs marked ‘FLR’ and not released, and yet P16.5-billion anti-insurgency funds were immediately released in the first quarter? Clearly, the priorities in the release of the funds are flawed,” diin pa nito.

The post Budget items na minarkahang ‘FLR’ kinuwestiyon ni Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/budget-items-na-minarkahang-flr-kinuwestiyon-ni-drilon/)