185 lindol ang na-monitor ng Phivolcs sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa bulletin ng Phivolcs ngayong umaga, pito ang naitalang low frequency volcanic earthquake, 176 ang volcanic tremor event na tumagal ng isa hanggang 16 minuto,at low-level background tremor

Bukod pa dito, umabot din sa 6,421 ton ang binubugang sulfur dioxide ng bulkan nitong Linggo.

Nagpakawala din ito ng usok na umabot sa 1,500 metro mula sa main crater.

Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Taal buhat pa noong July 1.

The post Bulkang Taal inalog ng 185 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkang-taal-inalog-ng-185-lindol/)