Nasa 99 lindol ang na-monitor ng Phivolcs sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs ngayong Sabado, 90 ang volcanic tremor event na tumagal ng isa hanggang 11 minuto at siyam na low-frequency volcanic earthquake na nagpatuloy mula noong Hulyo 7.

Apat na beses mas mataas ang naitalang volcanic earthquake sa Bulkang Taal ngayong araw kumpara sa 22 lindol kahapon, July 16.

Bukod pa dito, patuloy din ang pagpapakawala ng mataas na antas ng sulfur dioxide ng bulkan.

Naglabas din ito ng usok na umabot sa 1,200 metro ang taas mula sa main crater.

Nananatili ang Alert Level 3 sa bulkan dahil sa tuluy-tuloy na “magmatic unrest”.

Buhat pa noong July 1 nasa Alert Level 3 status na ang Bulkang Taal.

The post Bulkang Taal inalog ng 99 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkang-taal-inalog-ng-99-lindol/)