Umabot sa 74 pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo.

13 dito ay low-frequency volcanic earthquake, 61 naman ang volcanic tremor na tumagal nang isa hanggang 25 minuto.

Samantala, umabot naman sa 6,488 tonnes ng sulfur dioxide gas ang pinakawala ng bulkan.

“High levels of volcanic sulfur dioxide or SO2 gas emissions and steam-rich plumes that rose 1,000 meters before drifting west-northwest and southwest were generated from the Taal Main Crater,” ayon sa bulletin ng Phivolcs.

Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Taal dahil sa patuloy na pag-alburoto nito.

The post Bulkang Taal inuga ng 74 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkang-taal-inuga-ng-74-lindol/)