Bilib si NLEX coach Yeng Guiao sa professionalism na pinapamalas ng kanilang star player na si Kiefer Ravena.

Matatandaang bago magsimula ang 46th PBA Season ay dumaan sa kontrobersiya si Ravena matapos pumirma ng kontrata sa Japanese Basketball League team na Shiga Lakestars kahit pa aktibo ang kontrata nito sa NLEX.

Nanaig ang desisyon ng PBA na manatili ang NLEX guard at maglaro ng nakasaad sa kanyang kontrata.

Sa kabila ng naging isyu, malupit pa rin ang galawan ni Ravena na pinakita niya sa unang dalawang laro ng Road Warriors.

Kaya matapos ang 94-75 na panalo ng NLEX kontra Ginebra kung saan 19 points at limang assists ang naiambag ni Ravena, hindi itinago ni Guiao ang pagkamangha sa bata.

“That’s a tribute to his character,” wika ni Guiao. “That’s a tribute to his upbringing. Kilala ko pamilya nila. Si Kiefer, he is able to focus on the job at hand. That’s the professionalism that he has.”

“Ano man mangyari sa mga issues in the future, puwedeng isantabi muna ‘yan at mag-focus muna sa laro namin. He has been doing that. He has not been a distraction whatsoever. He is still the same Kiefer that we know,” dagdag pa ng multi-titled coach.

The post Coach Yeng bilib kay Kiefer first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/coach-yeng-bilib-kay-kiefer/)