Hinimok ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang lahat ng kritiko ni Senador Manny Pacquiao na tumigil muna sa patama sa ‘Pambansang Kamao’.

Paliwanag ni Rodriguez, dapat ay magkaroon ng ‘peace of mind’ ang eight division world champion bilang paghahanda sa kanyang laban kontra kay Errol Spence Jr. sa Agosto.

“I am calling for a ceasefire on attacks against our boxing icon to allow him to focus single-mindedly on his training. He has to prepare well for his fight,” saad ni Rodriguez.

Aniya, dapat ay suportahan muna kahit ng mga kritiko si Pacquiao dahil nirerepresenta nito ang mga Pilipino sa tuwing tumatapak sa boxing ring.

“Let us all support him because he brings pride and honor to our country. We will have time for divisive politics after the fight,” sambit pa ng kongresista mula Cagayan de Oro.

Matatandaan na nagkaroon ng girian si Pacquiao at Energy Secretary Alfonso Cusi, kung saan sinibak ang fighting senator sa kanyang puwesto bilang acting president ng PDP-Laban.

Nanawagan naman si Rodriguez na ikayat sa Commission on Elections at Supreme Court ang kanilang alitan sa partido matapos ang laban.

“In the meantime, Secretary Cusi should now go back to attending our energy-related problems like the red and yellow alerts signifying short supply in Metro Manila and other parts of Luzon,” dagdag pa ni Rodriguez.

The post Cong. Rodriguez: Awat muna sa mga banat kay Pacquiao! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cong-rodriguez-awat-muna-sa-mga-banat-kay-pacquiao/)