Idineklara ng OCTA Research Group na isang high-risk area sa COVID ang Mariveles, Bataan nitong Lunes.

Base sa tala ng OCTA sa nagdaang linggo, umakyat sa 2.53% ang reproductive rate sa naturang bayan, kumpara sa 1.39% noong nakaraan.

Bukod dito ay nakapagtala rin ng 218 bagong kaso ng COVID sa lugar noon lamang Hulyo 11.

Lumobo rin sa 35.67 per 100,000 ang incidence rate ng virus sa Mariveles.

Ang malala pa rito ay ang kawalan ng intensive care unit sa naturang bayan.

“If the increase in new cases is merely a clustering due to delays in reporting of testing laboratories, data in the next few days will confirm this,” pahayag ng OCTA.Bukod sa Mariveles, ang ilan pang lugar na high-risk sa labas ng NCR ay ang Cebu City at Lapu Lapu, Davao City, Bacolod City, Iloilo City, General Santos City, Baguio City at Tagum City.

The post COVID-19 problema sa Mariveles – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-problema-sa-mariveles-octa/)