Inihayag ni Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP)-Laban vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi na posibleng masipa si Senador Manny Pacquiao sa partido dahil sa ‘character assassination’ nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang chairman ng ruling party.

Sa panayam sa ANC Headstart, sinabi ni Cusi na posibleng mangyari ang pagsipa kay Pacquiao sa nakatakdang pagpupulong ng partido sa Hulyo matapos akusahan ni Pacquiao si Duterte na maling mga ginagawa na hindi naman nito mapatunayan.

“It’s like character assassination. What if I accuse him and then suddenly I just leave and go to my province and sleep?” paliwanag ni Cusi.

Nauna nang inakusahan ni Pacquiao, ang presidente PDP-Laban, ng katiwalian ang ilang ahensiya ng gobyerno bago ito lumipad pa-US para ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay para sa kanyang laban kay Errol Spence Jr.

Sinipa rin ni Pacquiao at ng mga kaalyado nito si Cusi kasama ang dalawa pang opisyal ng partido dahil sa disloyalty at paglabag sa kanilang constitution at bylaws.

Subalit giit ni Cusi, dapat patunayan ni Pacquiao ang ibinabato nitrogen alegasyon ng korapsyon sa Duterte administration.

“He should prove it. We are ready. You cannot just accuse the President and saying where’s the P10-billion. You prove it, if you cannot prove it, you better shut up,” sabi ng opisyal.

Ang tinutukoy ni Cusi ay ang expose ni Pacquiao na nawawalang P10 bilyong halaga ng Social Amelioration Package o “ayuda” na hindi nakarating sa mga benepisaryo nito.

“Parang kami sa DOE, we’ve been accused of corruption in DOE. Kami nga naghahabol sa mga oligarchs na ayaw sumunod sa gobyerno. Kami na nga ang hinaharass,” ani Cusi.

“Hindi naman clear na basta na lang siya maga-accuse, aalis siya. Harapin niya kami,” saad pa nito.

The post Dahil dinungisan pangalan ni Duterte: Pacquiao posibleng isuka ng PDP-Laban – Cusi first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-dinungisan-pangalan-ni-duterte-pacquiao-posibleng-isuka-ng-pdp-laban-cusi/)