Naramdaman ang magnitude 5.4 na lindol sa Davao Oriental nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol 37 kilometer southeast sa bayan ng Governor Generoso, bandang alas-8:09 ng umaga.

Naitala ang Intensity V sa Governor Generoso, habang Intensity IV naman ang tumama sa Mati.

Intensity III ang naramdaman sa bayan ng Tampakan at Tupi sa South Cotabato, habang Intensity II naman sa Davao, Kidapawan, General Santos at Kiamba, Sarangani.

Intensity I ang naiulat sa Arakan, Cotabato.

Dahil sa matinding lindol ay inaasahan ang pinsala sa mga nasabing lugar, pati na rin ang aftershock.

The post Davao Oriental inuga ng magnitude 5.4 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-oriental-inuga-ng-magnitude-5-4/)