Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes na nasawi na ang isang Delta variant patient sa Antique at ang kaso ng nasabing variant sa Taguig ay hindi isang local transmission.

Ayon sa panayam kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng dzBB, ang biktima sa Antique ay isang 78-anyos na babae na hindi pa nababakunahan kontra COVID.

Mayroon daw itong malapit na kaanak na nagkaroon din ng COVID ngunit gumaling na.

Isinasagawa naman ng ahensya ang contact tracing sapagkat walang travel history ang babae.

Samantala, nilinaw din ng Health Department na ang inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Taguig na kaso ng Delta variant sa lugar ay hindi isang kaso ng local transmission.

“Wala po tayong na-detect na local case sa Taguig. What the city of Taguig was mentioning was a returning overseas Filipino na na-detect-an ng variant at ang kanyang permanent residence is in Taguig,” wika ni Vergeire.

Sa ngayon ay 35 na kaso ng variant ang naitala sa bansa, kung saan 11 dito ang local transmission.

The post Delta patient sa Antique, yumao na; Taguig case ‘di local transmission first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/delta-patient-sa-antique-yumao-na-taguig-case-di-local-transmission/)