Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng dagdag na shot ng COVID-19 vaccine para sa mga immunocompromised.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasama na sa kanilang tinatalakay ang booster shot, at handa silang magturok nito kapag may ebidensyang epektibo ito.

“Of course we will be always open as long as there is complete evidence, and actually that is part of the discussions of our experts,” lahad ni Vergeire sa ANC.

“We are not saying that we have closed the doors already to these booster shots. What I would like to explain is we constantly coordinate with our experts,” aniya pa.

Matatandaan na sinabi noon ng DOH na hindi muna kinakailangan ang booster shot sa bansa lalo’t wala pang sapat na supply ng bakuna.

Nilinaw din ni Vergeire na sa ngayon ay wala pang ebidensya na kailangan ang booster shot para sa bakuna mula Sinovac, kung saan nanggagaling ang karamihan ng supply ng Pilipinas.

“There is no conclusive evidence yet that you would have a booster for Sinovac. Also, there is no completed evidence even for the other types of vaccines using booster doses right now,” aniya pa.

The post DOH bukas sa booster shot sa mga sakitin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-bukas-sa-booster-shot-sa-mga-sakitin/)