Naghahanda na ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagsirit ng COVID-19 case sa bansa dahil sa pagpasok ng Delta variant sa Pilipinas.

Isa sa mga tinitingnan ng DOH ay ang pagkakaroon ng sapat na supply ng oxygen para sa mga ospital na posibleng mapuno ulit ng mga COVID-19 patient.

“Currently our existing oxygen supply is sufficient but we need to add additional so that we can be more prepared,” sambit ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa TeleRadyo.

Aniya pa, inabisuhan na rin ang mga ospital na magdagdag ng mga kama para sa mga pasyenteng tatamaan ng COVID-19.

“Our hospitals are now more guided that they should be expanding their beds already. Our local governments have been guided also they should intensify their PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) response,” aniya pa.

16 ang bagong kaso ng Delta variant sa bansa, 11 dito ay local case. Sa kabuuan ay 35 na ang naitalang kaso ng nasabing variant sa Pilipinas.

The post DOH hahagilap ng oxygen supply kontra Delta variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-hahagilap-ng-oxygen-supply-kontra-delta-variant/)