Hindi dapat masyadong dibdibin ng publiko ang napaulat na Pilipina ang pinakamapanganib na bansa, base sa 2021 World’s Safest Countries report ng isang international magazine.

Sa ulat ng Global Finance, nasa pang-134 place ang Pilipinas sa mga ligtas na bansa, dulo sa listahan.

Binase ito sa ilang factor tulad ng personal security, kalamidad at namumuong giyera sa isang bansa.

Lahad ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, dapat na pag-aralan ang nakasaad sa datos at huwag ikumpara sa ibang bansa.

“Let’s take this with a grain of salt, pag-aralan maigi kung ano ang sinasabi ng datos, tingnan natin kung bakit kinukumpara tayo sa ibang bansa with different settings and with different circumstances,” ayon kay Vergeire.

“Bagamat bukas tayo sa mga surveys na ‘to, let’s focus on our country, let’s focus on what we can do to help our country. Let’s stop comparing and let’s just focus on what we’re doing here in our country,” aniya pa.

The post DOH: ‘Pinas bilang pinakamapanganib na bansa, huwag seryosohin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-pinas-bilang-pinakamapanganib-na-bansa-huwag-seryosohin/)