Tanggap ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) na palabasin na ang mga batang edad 5 pataas at mga bakunadong senior citizen.

“This is an opportunity for families to visit outdoor destinations such as Intramuros with their children and fully vaccinated seniors,” ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat.

“Ayon pa kay Puyat, ang pagiging aktibo habang sumusunod sa health protocol ay mabisang paraan para manatiling nasa maayos na estado ang mental at physical health ng kabataan at mga lolo’t lola.

Ang naturang desisyon ng IATF ay ibabase pa rin sa kagustuhan ng local government unit (LGU) sa bawat lugar.

Sa ngayon ay tanging sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at GCQ na walang ‘heightened restrictions’, papayagan ang mga bata at bakunadong senior citizen na lumabas sa parke, tourist site, sports venue, ngunit pinagbabawal pa rin sa mall.

“While the opening of outdoor areas to children and fully vaccinated seniors is a step to encourage local travel, this must not be taken as blanket authority for complacency and misrepresentations,” paalala ni Puyat.

The post DOT nagalak sa pagpayag lumabas ng kabataan, bakunadong senior first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dot-nagalak-sa-pagpayag-lumabas-ng-kabataan-bakunadong-senior/)