Kakausapin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang national gobyerno para mababaan pa ang bayad para sa RT-PCR test.

Sa ngayon ay nagkakahalaga ng aabot sa P3,500 ang COVID-19 testing sa mga health facility sa bansa.

“We still find P3,500 quite expensive… Natataasan ako especially if you’re a family of five,” lahad ng kalihim sa panayam ng ANC.

“I will again bring this up with the IATF (Inter-Agency Task Force) na kung puwede babaan pa kasi ang PGH (Philippine General Hospital) nga can charge P1,800, and PCMC (Philippine Children’s Medical Center) can charge P1,500, why can’t others do the same?” paliwanag pa ni Romulo-Puyat.

Ayon pa kay Puyat, magiging malaking tulong kung tatanggalin ng mga LGU ang negatibong RT-PCR test para sa mga bakunadong indibiduwal.

“I’m always pushing for less travel restrictions, but at the same time it has to be balanced with health and safety,” ayon kay Puyat.

The post DOT Sec. Puyat isusulong murang COVID test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dot-sec-puyat-isusulong-murang-covid-test/)