Dumating na umano sa bansa ngayong Martes mula sa US ang fourth overall pick ng TNT na si Mikey Williams, ayon sa anunsyo ng kanilang team manager na si Gabby Cui.

Ngunit dahil sa Biyernes na ang simula ng PBA season ay tila may ilang larong ‘di makakasama sa koponan si Williams dahil kailangan nitong sumailalim sa 10 araw na quarantine kung saan may swab test sa ika pitong araw.

Gayunpaman, ibinalita ng agent na si Marvin Espiritu na bakunado na si Williams kontra COVID.

Malaki ang inaasahan ng KaTropa sa 29 anyos na rookie dahil nakapaglaro ito sa NBA G League noong 2017-2018 season.

Sa height nitong 6’2, guwardiya ang laro ni Williams at marami ang nagkukumpara sa kanya kay Stanley Pringle.

Mabigat na role rin ang inaasahan sa kanya dahil nagdesisyon si Bobby Ray Parks na huwag munang maglaro ngayong season. 

The post Draft pick ng TNT nasa Pinas na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/draft-pick-ng-tnt-nasa-pinas-na-1/)