Tiniyak ng Malacañang na walang close contact si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pamilya matapos mapaulat na nagpositibo sa COVID-19 si Davao City Vice-Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa kanyang pagkakaalam ay hindi nakasalamuha ng Presidente ang miyembro ng kanyang pamilya sa Davao City.

Bilang ama aniya ay nag-aalala ang Pangulo sa kalagayan ni Baste dahil tinamaan ito ng COVID-19.

“Wala po akong alam na close contact si Presidente. Of course, the President si concerned as a father bagamat one thing going for Vice Mayor is siya po ay bata at malusog. Immune system ang lumalaban sa COVID-19.” ani Roque.

Wala aniyang pinipiling dapuan ang COVID-19 pero tiwala si Roque na malalagpasan ni Baste ang sitwasyon dahil malusog naman ito at malakas ang immune system para labanan ang virus.

Hindi naman masabi ni Roque kung anong uri ng COVID variant ang umatake sa anak ng Presidente dahil wala naman aniyang report na nakarating na sa Davao City ang mabagsik na Delta variant.

“Itong COVID ay walang pinipili, pati iyong presidential son ay nahahawaan. Well okay naman po siya at malusog naman po si Vice-Mayor Baste, it helps na bata po siya at physically fit,” dagdag ni Roque.

Dahil sa patuloy na banta ng COVID sa pamilya Duterte ay hindi pa masabi ng kalihim kung makakadalo ang first family sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa July 26.

“Nag-confirm na si Mayor Sara na hindi siya darating, at hindi ko lang po alam kung makakarating si Deputy Speaker Pulong, but I understand the number of members of Congress attending  are also very limited,” wika ni Roque.

The post Duterte ‘di nakalapit sa pamilya, Baste malusog kahit COVID positive first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-di-nakalapit-sa-pamilya-baste-malusog-kahit-covid-positive/)