Para kay House Majority Leader Rep. Martin Romualdez, isang ‘dream team’ para sa publiko kung sakaling matuloy ang pagtakbo ng Duterte-Duterte tandem sa 2022.

Ito ang naging pahayag ni Romualdez nitong Miyerkoles kaugnay ng lumabas na survey ng Pulse Asia kung saan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang nangunguna sa pagka-pangulo habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman para sa pagka-bise presidente.

“The result of the latest Pulse Asia survey is a validation of our people’s confidence and satisfaction on the Dutertes’ brand of public service,” ani Romualdez

“For the Filipino people, a Duterte-Duterte tandem is the dream team in 2022,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon pa kay Romualdez, sa mga susunod na survey ay aasahan niyang tataas pa ang mga pipili kay Duterte-Carpio lalo’t unti-unti na umano itong nagpaparamdam sa pagtakbo sa 2022.

“We expect her numbers to climb even higher when the next survey covers the period after she indicated her openness to run for President,”

Si Romualdez ang chairman ng partidong Lakas-CMD, na kamakailan lamang ay nagpahayag ng pagsuporta sa partido ni Duterte-Carpio – ang Hugpong ng Pagbabago.

The post Duterte-Duterte tandem sa 2022 isang ‘dream team’ – Romualdez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-duterte-tandem-sa-2022-isang-dream-team-romualdez/)