Pinaniniwalaan ng Malacañang na hindi nagkulang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng posisyon kay Vice President Leni Robredo sa gobyerno.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, si Robredo umano ang pumili na maging dekorasyon lang sa administrasyon ni Duterte.

Pinunto ni Roque ang mga posisyon ibinigay ni Duterte sa Bise Presidente, tulad ng pagiging head ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

“Kung maalala niyo po, binigyan ng Cabinet post ng Presidente si VP Leni Robredo pero siya po ang namili na nais niyang maging lider ng oposisyon kaya naging palamuti po siya ng limang taon,” sambit ni Roque sa panayam ng ‘Unang Balita’.

“Pero sa ‘mulat mula po, hindi po nagkulang ang Presidente, binigyan po siya ng Cabinet post bilang Housing secretary.”

Noong 2016 ay ginawang HUDCC si Robredo, ngunit nagbitiw sa pwesto matapos siyang hindi padaluhin sa meeting ng gabinete.

2019 naman ay pinangalanang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs si VP Leni ngunit kaagad din siyang inalis ng Pangulo.

The post Duterte hindi nagkulang! Robredo piniling maging palamuti sa gobyerno – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-hindi-nagkulang-robredo-piniling-maging-palamuti-sa-gobyerno-palasyo/)