Hindi pa tapos ang bakbakan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao.

Sa ‘Talk to the People’ nitong Lunes, kinuwestiyon ni Duterte ang nilantad ni Pacquiao na umano’y P10.4 billion na korapsyon sa pamimigay ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Banat ni Duterte, tila ‘punch-drunk’ ang senador at inabisuhan ang publiko na huwag maniwala sa mga paratang ni Pacquiao.

“I think Pacquiao is punch-drunk… I think he is to be talking about P10 billion from nowhere,” giit ng Pangulo.

Aniya pa, malabong makalusot sa Commission on Audit (COA) at national government ang korapsyon na nagkakahalaga ng P10B.

“Papayag ba naman ang COA niyan? At hindi lang ‘yan, papayag ba kami? Papayag ba ang mga secretary ng mga departamento na may mawala P10 billion? That is a statement coming from a guy who is punch-drunk,” sambit pa ni Duterte.

The post Duterte kay Pacquiao: Papayag ba kaming may mawalang P10B? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-kay-pacquiao-papayag-ba-kaming-may-mawalang-p10b/)