Posibleng muling maghigpit ang gobyerno dahil sa pagpasok ng Delta COVID-19 variant sa bansa.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon ng mga kaso ng Delta variant sa bansa kaya dapat maagapan agad ang mabilis na pagkalat nito.

Kailangan aniyang iwasan muna ang pagtitipon-tipon at mga aktibidad na madiding mitsa ng posibleng pagkalat ng kontaminasyon.

“We may need to reimpose stricter restrictions to avoid mass gathering ang prevent superspreader events,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi dapat balewalain ang bagsik ng Delta variant kaya dapat na magsilbing babala ito sa publiko.

Maaari aniyang makahawa agad ang may Delta variant ng walong tao, kumpara sa Alpha COVId variant na mula apat hanggang limang tao lamang.

“The reported local cases in the country is a cause for serious alarm and concern. Again, it’s redundant but still is good as any warning that can be given to the people,” dagdag ng Pangulo.

Dahil dito, inutos ni Pangulong Duterte ang mahigpit na implementasyon ng umiiral na health protocol para malabanan ang banta ng Delta variant.

“I urge the DILG and the PNP to implement the existing protocols with greater urgency and necessity . It is only by imposing these restrictions that we can fight the threat of Delta variant,” wika ng Pangulo.

The post Duterte: Mahigpit na quarantine posible sa Delta variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-mahigpit-na-quarantine-posible-sa-delta-variant/)