Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng World Bank  sa inilabas na report kaugnay sa status ng edukasyon sa Pilipinas.

Ito ay matapos mag-report si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa Pangulo kaugnay sa World Bank report na nagsabing kulelat ang Pilipinas sa Program for International Student Assessment (PISA) gamit ang outdated o lumang impormasyon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na dapat maging maingat ang malalaking organisasyon gaya ng World Bank sa paglalabas ng kanilang report.

“I accept the apology. It’s a very good one. I said it’s a poignant one, direct to the point. I would not want to begrudge the World Bank but itong international bodies working on problems of the world should be very careful in their statistics,” anang Pangulo.

Aminado ang Presidente na mahirap lutasin ang problema sa edukasyon dahil kulang ang pera ng gobyerno para pondohan ang pagpapahusay sa mga adhikain at proyekto ng mga ahensya ng gobyerno.

Pero kung maganda lamang sana  aniya ang ekonomiya at kumikita ang gobyerno ay tiyak na mapapahusay ang pangangasiwa sa lahat ng departamento.

Pinuri naman ng Presidente si Secretary Briones dahil sa matapang nitong pagtutol sa World Bank report at paggigiit na mag-public apology ang institusyon.

The post Duterte sa World Bank: Mag-ingat sa mga nilalabas na datos first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-world-bank-mag-ingat-sa-mga-nilalabas-na-datos/)