Natuklasan ng Commission on Audit (COA) na 12% lang ng nakalaang anti-insurgency fund ang nagastos ng Philippine National Police (PNP) noong 2020.

Ayon sa COA, P722.96 milyon ang anti-insurgency fund na natanggap ng PNP noong nakaraang taon ngunit at P86.57 milyon lamang ang nagamit ng kapulisan.

Sa report ng ahensya, P240.80 milyon ang na-obligate ng PNP. Gayunpaman, ang P86.87 milyon lamang dito ang nagastos sa procurement. Kaya naman mayroon pa silang P154.23 milyon na unpaid disbursement.

Depensa naman ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, may hanggang katapusan pa sila ng 2021 para gamitin ang naturang pondo, bagay na aprubado umano ng Budget Department.

Dagdag pa ng PNP chief, Oktubre lang ng 2020 naibigay sa kanila ang pondo kaya’t hindi sapat ang panahon upang ubusin ito sa loob lamang ng naturang taon.

Pahayag pa ni Eleazar, sinusunod ng PNP ang batas pagdating sa paggastos ng pondo.

“Hindi pa ito puwedeng gastusin lahat sa natitirang dalawang buwan ng 2020 dahil sa mahigpit na alituntunin ng batas sa paggastos ng pondo ng taumbayan,” pahayag niya.

The post Eleazar pumalag sa COA report first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eleazar-pumalag-sa-coa-report/)