Pinasalamatan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang bansang Amerika at Japan dahil sa milyon-milyong bakunang donasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Galvez, lampas 6 milyong bakuna na ang ibinigay ng Amerika, Japan at COVAX facility sa bansa.

“We would like to thank US and Japan and the COVAX donation sharing. We already accounted 6,365,300 doses which is 61 percent of the total supply we have already received for July,” lahad ni Galvez.

Kasama dito ang 3.2 milyong donasyong bakuna mula sa Johnson & Johnson, na nagmula sa Estados Unidos at ibibigay sa pamamagitan ng COVAX facility.

Inaasahan na madagdagan pa ang bakunang ido-donate sa Pilipinas na posibleng dumating ngayong Hulyo o Agosto.

“And then mayroon po tayong na-hearing-an na mayroon pang additional 3 million po na sa COVAX donation sharing, and is also set to arrive either July or August,” sambit ni Galvez.

The post Galvez pasalamat sa US, Japan sa 6M donasyong bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/galvez-pasalamat-sa-us-japan-sa-6m-donasyong-bakuna/)