Bago ang 2021 Fiba Asia Cup, lalaban muna ang Gilas Pilipinas sa The King’s Cup sa Jordan mula July 26 hanggang August 1.

Kasama ang PH national team sa anim na koponang magtutuos sa torneong ginawa para kay King Abdullah Il Bin Al-Hussein Al-Mazem.

Unang haharapin ng Gilas ang Egypt sa July 26, susundan ng Saudi Arabia sa July 27.

Haharapin din ng Gilas ang Team A at B ng Jordan, pati ang national team ng Tunisia.

Parehong sumikwat ng top spot ang Gilas at Jordan sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Habang ang Tunisia at Egypt naman ay naghahanda rin para sa 2021 Afrobasket.

The post Gilas babangga sa Jordan, Egypt first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gilas-babangga-sa-jordan-egypt/)