Bago ang huling State of the Nation Address (SONA), umapela si Ako Bakwit Chairperson Samira Gutoc kay Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang mga problemang kinakaharap ng mga residenteng biktima ng Marawi Siege noong 2017.

Umaasa siyang mababanggit na sa SONA ang tungkol sa mga plano para sa rehabilitasyon ng Marawi.

Giit niya, kailangan ay nakatutok sa mga tao ang rehabilitasyon at huwag masyado sa imprastraktura.

“This is one of the most expensive projects of this administration and groups, NGOs consistently meeting since the last four years saying kailangan na people-centered ang rehab… not so much infra, give us right to build homes,” sambit ni Gutoc sa “The Chiefs” kahapon, July 16.

“Example P70B budget earmarked for Marawi. Sabi ni Cong. Lucy Torres underspending lagi… people are crying in this village… 10 days walang tubig. So saan po natin na-track natin before… that money, under headline item on humanitarian meron sanang tubig or ayuda. Pero walang ayuda one year na po tayo,” dagdag niya.

“I heard some retired soldiers are crafting his input or material. Sana po please don’t forget Marawi,” patuloy niya.

The post Gutoc sa huling SONA ni Duterte: Marawi huwag kalimutan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gutoc-sa-huling-sona-ni-duterte-marawi-huwag-kalimutan/)