Bago pa man koronahan bilang Binibining Pilipinas International 2021 ay puno na ng kaalaman si Hannah Arnold sa larangan ng Forensic Science.

Si Arnold, 25-anyos na tubong Masbate, ay nagtapos ng Bachelor of Applied Science in Forensic Studies sa University of Canberra sa Australia.

Pure Pinay ang kanyang nanay habang Irish-Australian naman ang nationality ng kanyang ama.

Kaya naman ‘di na kataka-taka ang matalas niyang isip na ipinamalas niya sa question and answer portion ng kompetisyon.

“First of all, freedom of speech is a basic human right that we all must remember. And it is important for democracy. And with our upcoming election, we definitely need free speech,” saad ni Arnold nang tanungin kung nag-exist pa ba ang genuine freedom of speech sa bansa sa gitna ng pag-usbong ng social media.

“For example, on Twitter, we are limited to few characters and what I’ve seen from these tweets has been powerful and has helped me think about who I would like to vote for in the upcoming election,” dagdag pa niya.

Kaya naman siya ang magiging pambato ng bansa sa Miss International pageant na gaganapin ngayong taon sa Japan.

The post Hannah Arnold, saksakan ng talino first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hannah-arnold-saksakan-ng-talino/)