Kaunti na lang ay tuluyan nang magiging protektado ang San Juan City sa COVID-19.

Ito’y matapos na mabakunahan ang nasa 70 percent ng populasyon ng siyudad.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, 96,610 residente na ang natuturukan ng first dose, at aniya’y posibleng pagsapit ng Agosto ay makamit na nila ang herd immunity.

“At the rate we are going, at the rate we are vaccinating now, I believe we will be able to achieve herd immunity by end of August this year,” lahad ni Zamora.

Magbubukas din ang lungsod ng pangatlong vaccination site, na magpapaabot sa kanilang kapasidad na makapagturok ng 5,000 bakuna kada araw.

“Bagamat dito sa San Juan nagsimula ang first local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas, dito rin natin unang tatapusin ang COVID sa San Juan,” sambit ng alkalde.

The post Herd immunity malapit na! San Juan nangunguna sa turukan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/herd-immunity-malapit-na-san-juan-nangunguna-sa-turukan/)