Pinatunayan ng isang hip-hop dancer na world-class ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya at imbensyon.

Ito’y matapos na talunin ni Kryx Mendiola, isang dancer at flying drone car builder, ang world record para sa pinakamataas na paglipad ng hoverboard.

Sa pamamagitan ng kompanyang Star 8 Green Technology Corp., nabuo ang isang Pinoy-made hoverboard na umabot sa 2.89 kilometer ang biniyahe sa taas na 30 feet.

Mas malayo ito kumpara sa 2.25 kilometer na world record.

Tumagal ng pitong minuto sa ere ang pinalipad na hoverboard ni Mendiola.

“Sa flight data namin, we actually got 2.89 kilometers. So more than what we were expecting. Our goal was only 2.5 kilometers,” ayon kay Mendiola sa panayam ng ’24 Oras’.

Plano ng grupo ni Mendiola na isumite ang kanilang mga datos sa Guinness para maging opisyal itong kasama sa world record.

The post Hoverboard na gawang Pinoy, gumiba ng world record first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hoverboard-na-gawang-pinoy-gumiba-ng-world-record/)