On track at tiyak na matatapos sa takdang panahon ang  rehabilitasyon ng Marawi City.

Ito ang inihayag ni Human Settlement and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary Eduardo del Rosario sa pre-SONA forum ng Malacañang.

Ayon kay del Rosario kumpiyansa sila na matatapos ang rehabilitation project sa kabila ng mga nararanasang balakid gaya ng masamang panahon at pagsunod sa COVID protocol.

“The Marawi rehabilitation is on track, despite the bad weather  that is now prevalent in Marawi City and the present COVID protocol being observed,” ani del Rosario.

Binigyang-diin ng kalihim na lahat ng mga nasimulang proyekto noong July 2020 ay inaasahang makukumpleto hanggang sa buwan ng Disyembre.

Kabilang sa mga proyektong ginagawa ngayon sa Marawi City ay pagpapatayo ng mga permanenteng pabahay para sa mga residenteng naging biktima ng giyera, rehabilitasyon ng dalawang mosque, pagsasaayos sa mga kalsada, paaralan at iba pa.

The post HUDCC: Marawi rehab sure na tapos bago 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hudcc-marawi-rehab-sure-na-tapos-bago-2022/)