Nilantad ni Senador Joel Villanueva ang kanyang plano para sa 2022 elections.

Ayon kay Villanueva, pinag-iisipan niyang tumakbo para sa kanyang ikalawang termino sa Senado, ngunit hindi sinasarado ang posibilidad na sumubok sa ibang posisyon.

“Yes, ‘yun ang plano ngayon. Siyempre, we don’t want to close doors. Ang filing [ng Certificate of Candidacy} naman is October pa,” saad ni Villanueva sa panayam ng ANC.

Binunyag din ni Villanueva na mayroong mga humihimok sa kanya na subukan tumakbo bilang gobernador ng Bulacan.

“I’m here in Bulacan right now and some leaders were asking me to run for governor and I was surprised,” sambit ng mambabatas.

Ngunit aniya, sa ngayon ay reelection ang nasa kanyang plano, kung saan napag-uusapan na umano ang pagkampanya kasama sina reelectionist Miguel Zubiri at Sherwin Gatchalian.

The post Joel Villanueva nililigawan tumakbong governor sa Bulacan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/joel-villanueva-nililigawan-tumakbong-governor-sa-bulacan/)