Sa Hulyo 19 umano darating sa bansa ang 3.2 milyon dose ng bakunang gawa sa US na Johnson & Johnson na isang single-shot bakuna, ayon sa Health Department nitong Lunes.

Inihayag ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Aniya, ang mga darating na J&J bakuna ay parte ng nasa 16 milyon na iba’t-ibang brand ng bakuna na darating ngayong buwan.

“Yung ating Pfizer na 562,000 doses arriving on July 19, tapos another (Pfizer) on July 26, 375,000 [doses],” wika ni Cabotaje.

“About 16 million ang dadating this July, kasama po yung mga dumating na,”dagdag panito.

Bago ang pagdating ng mga J&J bakuna ay nauna nang dumating ngayong buwan ang tatlong milyong dose ng AstraZeneca vaccine at 170,000 dose ng Sputnik V na gawang-Russia.

The post Johnson & Johnson vaccine darating sa Hulyo 19 – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/johnson-johnson-vaccine-darating-sa-hulyo-19-doh/)