Hindi pa rin napuputol ang MVP streak ni Milwaukee Bucks superstar Giannis Antetokounmpo.

Matapos hiranging back-to-back regular season MVP, dinagdag ni ‘Greek Freak’ ang Finals MVP trophy matapos magwagi sa 2021 NBA season kontra Phoenix Suns, 105-98.

Sa title-clinching Game 6, walang nakapigil kay Antetokounmpo, sumikwat ng 50 points, kasama pa ang 13 rebounds at five blocks.

Tumatak din si Giannis sa buong kasaysayan ng NBA, bilang isa sa may pinakamaraming accomplishment sa edad na 26.

Pumantay si Giannis kina NBA Hall of Famer Hakeem Olajuwon at Michael Jordan, mga natatanging manlalaro na nakasungkit ng MVP, Finals MVP at Defensive Player of the Year award.

Si Giannis din ang pang-pito pa lamang na manlalarong nakaiskor ng 50 points sa isang NBA Finals game.

Sa buong serye kontra Suns, nag-average si Giannis ng 35.2 points, 13.2 rebounds, at 5.0 assists kada laro.

Ito’y sa kabila ng iniindang injury ni ‘Greek Freak’ matapos mapuruhan ang tuhod sa NBA Eastern Conference Finals kontra Atlanta Hawks.

The post Ka-level na ni Jordan! Giannis nasungkit Finals MVP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ka-level-na-ni-jordan-giannis-nasungkit-finals-mvp/)