Siniguro ng Department of Health (DOH) na mabisa pa rin kontra COVID-19 ang bakuna mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac.

Ito’y sa kabila ng mga report sa Thailand na tinamaan pa rin ng COVID-19 ang mga health worker na kumpleto na sa Sinovac dose.

Isa sa mga health worker ay kritikal ang kondisyon, habang isa namang nurse ang nasawi.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lumabas sa isang pag-aaral sa Chile na sa 10 milyong katao na nabakunahan ng Sinovac, 90 percent ang ligtas sa ICU admission, 87.5% naman ang hindi kinailangang isugod sa ospital, at 86% ang nakaligtas sa kamatayan.

“Nandyan pa rin naman po ‘yung effectiveness ng bakuna. Kailangan pagkatiwalaan po natin ‘yan,” lahad ni Vergeire.

Ayon sa report ng Food and Drug Administration (FDA), 60 Pinoy na kumpleto na sa Sinovac dose ang nagpositibo sa COVID-19, lahat ito ay mild case.

The post Kahit sapol ng COVID mga bakunadong frontliner: DOH bilib sa bisa ng Sinovac first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-sapol-ng-covid-mga-bakunadong-frontliner-doh-bilib-sa-bisa-ng-sinovac/)