Mayroong 46 aktibong kaso ng COVID-19 mula sa mga empleyado ng Kamara de Representantes.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, maaaring mas mababa na ang bilang dahil mayroon ng mga gumaling na hindi pa nakakapag sumite ng sertipikasyon mula sa kani-kanilang doktor.

“Hangga’t hindi pa kasi nagsa-submit ng clearance form na yun mandatory hindi maaalis ng DOH (Department of Health). Bawal pang alisin hangga’t wala silang sina-submit na clearance,” sabi ni Mendoza.

Ang bakuna naman na binili ng Kamara para sa mga empleyado at pamilya ng mga ito ay inaasahan namang darating sa kalagitnaan ng Agosto.

“Hopefully makapag-rollout kami ng third week,” sabi ni Mendoza.

Nagawa namang bakunahan ng Kamara ang ilang opisyal at empleyado nito gamit ang bakuna na bigay ng gobyerno.

Marami ring opisyal at empleyado ng Kamara na nakapagpabakuna na sa kanya-kanyang lokal na pamahalaan.

Gumagawa rin umano ng hakbang ang Kamara para mas marami ng empleyado ang pisikal na makapasok sa Batasan Complex.

The post Kamara may 46 aktibong kaso ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kamara-may-46-aktibong-kaso-ng-covid-19/)