Inilunsad ng Kamara de Representantes ngayong Miyerkoles ang website para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang microsite sa opisyal na webpage ng House of Representative na congress.gov.ph/sona2021 ay maglalaman ng mga impormasyon kaugnay ng SONA ng Pangulo sa Hulyo 26.

Ayon kay Speaker Lord Allan Jay Velasco lalamanin din ng website ang legislative accomplishment ng administrasyong Duterte.

“President Duterte has actually accomplished a lot in the past five years he was in office, and this website will bear all those achievements,” sabi ni Velasco.

Sa termino ni Duterte naipasa ang mga batas kaugnay ng universal health care, libreng tertiary education sa mga eskuwelahan ng gobyerno, expanded maternity leave, at libreng internet access.

Ilalagay din sa website ang video ng mahigit 200 kongresista kung saan nila inilalahad ang kanilang mga proyekto at programa at talumpati ng mga piling kongresista. 

The post Kamara may website para sa huling SONA ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kamara-may-website-para-sa-huling-sona-ni-duterte/)