Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 12 bagong kaso ng COVID variant na Delta nitong Huwebes, na ayon sa ahensya ay pawang mga kaso ng local transmission.

Ayon sa DOH, ang 12 na ito ay nakarekober na ngunit patuloy umano ang validation sa variant na tumama sa kanila.

Sa mga kasong ito, tatlo ang mula Metro Manila, anim mula sa Central Luzon, dalawa sa Calabarzon at isa mula sa Bicol region.

Dahil dito ay umakyat na sa 47 ang kabuuang bilang ng Delta variant sa bansa. 

The post Kaso ng Delta variant nadagdagan ng 12 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaso-ng-delta-variant-nadagdagan-ng-12/)